Ano pa bang choice natin? Mabuti pang umalis na tayong lahat.

Standard

Naaawa ako sa mga bata, kabataan at mga young adults.  Naiisip ko kung ano ang magiging future nila sa bayan nating Pilipinas.  Sa nakikita ko, pag nagpatuloy ang ganitong klaseng sistema ng gobyerno na lantaran na ang pag-aalipusta at pang-aapi ng mga leaders natin, may choice pa ba tayo?

Halatang gaguhan na ang nangyayari sa gobyerno.  Tingnan na lang natin ang nangyayari sa Pork Barrel Scam.  Si Janet Lim Napoles ay hindi pa rin nakakasuhan ng plunder o kahit anong uri ng pagnanakaw.  Yung mga senador natin parang mga gagong nagbabangayan na walang kakuwenta-kuwentang bukod sa drama na “trip” panoorin ng mga ignoranteng masa.

Saan ka nakakita ng gobyerno na pati yung foreign donations para sa mga Yolanda Victims ay nakakawin at pagkakakitaan pa?  Anong klaseng kademonyohan yan?  Hindi pa talagang patunay na demonyo ang mga leaders ng bayan natin?  What kind of person will take advantage of the plight of the victims of the worst typhoon in the history of mankind?  Dapat pagpapapatayin ang mga hayop na yan.

Yang rice smuggler king nasaan na?  Bakit di pa tinodas kasi ni Mayor Duterte.  Dapat pinaputukan na yan sa Senado para masampulan.  Pero bakit ganoon?  Sa yaman ng bayan natin sa likas na kayamanan, we need to import and worst, smuggle rice to feed the masses?  What kind of retarded baloney is that?

Tapos fiesta ngayon ang mga child traffickers at iba pang uri ng human traffickers kasi suportado sila ng syndicatong gobyernong ito.  Saan ka naman nakakita, kung hindi pa inasikaso ng mga banyagang ahensya, patuloy lalala ang child prostitution dito sa Pilipinas.

Walang plano itong gobyerno natin.  Sa gitna ng mga pagyayabang ng pamahalaan na umuunlad ang ekonomiya patuloy na tumataas ang presyo ng lahat ng basic commodities natin.  Bakit naman ganoon?  Kung mahirap ka dito, wala ka na halos pag-asa.  Talagang kawawa ang mga mahihirap dahil ang cost of living ay pataas ng pataas tapos ang suweldo naman hindi napapantay sa presyo ng bilihin.

Pag punta na lang sa trabaho ang pila aabutin ka ng siyam-siyam dahil kulang ang mga coaches ng train para hindi kailangan magsiksikan ang mga sumasakay.  Saan napunta ang budget para magdagdag ng additional coaches?  Eh obvious ninakaw na po diba?  We have one of the worst airports on earth, and already about 50-100 years behind most of our Asian neighbors.  Soon pati ang Timbuktu lalampasan na tayo.

Mag isip-isip na kayo kung dito sa ganitong klaseng bayan ninyo mabuhay.  Walang dangal ang mabuhay sa isang bayan na pati freedom of expression kakasuhan na ng libel dahil pikon ang mga buwaboy na leaders natin.  They can’t take the heat and the criticism because they know what everyone is saying about them is true.  99% of them are thieves, plunderers, rapists, smugglers who form the greatest criminal syndicate on earth: The Philippine Government.

Ayaw ko mag sound na sobrang negative pero ito ang katotohanan.  30 years na pagkatapos ng EDSA 86 patuloy na lumalala ang situwasyon sa ating bayan.  Mukha ring wala naman plano iangat ng gobyerno ang bayan para makaalis sa ganitong klaseng hirap.  So parake pa mag-stay ka sa ganitong klaseng sistema?

Planuhin na ninyo kung papaano ang pinaka magandang paraan na lumikas sa bayan natin na hindi kailangang magpadala o magbigay ng pera sa gobyerno.  We have to cut off their tax supply because all they know how to do is to keep stealing from us.  Just find a way to leave so that you are not necessarily an OFW but be able to have a legitimate status sa bansa na paglilipatan mo.

Kawawa talaga tayo.  Bakit nagkaganito?  Tao rin kasi bukod sa gobyerno.  Karamihan sa atin walang pakialam dahil iniisip kung papaano kakain at hindi magugutom, di po ba?  So how do we end this?  It’s better if umalis na lang tayo.

Hay, Pilipinas kong Mahal, winasak ng pamahalaan ang ating hinaharap.

 

more fun in the philippines

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s